Proven. Pruben. Proben. Provent.
Matagal nang palaisipan sa akin kung ano ang tamang spelling at kung saang parte ba talaga ng ng manok makikita ang proven/pruben/proben. Basta ang alam ko, hindi ito balat tulad ng pagaakala ng nakararami.
At malamang, hindi lang ako ang nagtataka. Minsan ay natanong yan sa akin ni Tere.
Tere: Ate Bam, ano tawag dito?
Ako: Proven. Chicken Proven.
Tere: Ha? Bakit?
Ako: Kasi Proven and Tested Dirty.
Oo, nagjoke ako pero hindi dun natapos ang lahat. Hindi mapapalagay ang loob ko kung hindi ko malalaman ang tamang kasagutan. Kung kaya ako ay nagresearch kung ano ba talaga ang kasaysayan ng street food na yan.
At ayon nga sa aking pananaliksik, ang chicken proven/pruben/provent ay piniritong proventriculus. Ang proventriculus ay pre-requisite para masali sa tropa ng mga Avian (birds). In short, kung wala kang proventriculus, hindi ka papasang ibon/manok/pato/gansa blah blah blah. Maihahawig sa stomach ng mga mammals ang proventriculus. Ang proventriculus (tawagin na nating proven dahil napapagod na akong itype ang buong pangalan nito) ay ang glandular na bahagi ng digestive system ng ibon. Meron itong mga cells na siyang lumilikha ng hydrochloric acid, pepsin, mucus at iba pang digestive enzymes na siyang tutunaw sa pagkain.

Ang proventriculus ang nag-uugnay sa balunbalunan (gizzard) at esophagus ng mga ibon.

Makakatulong ang mga links na ito kung mayroon pa kayong mga nais hanapin na kasagutan ukol sa katawan ng mga ibon:
http://fsc.fernbank.edu/birding/digestion.htm
http://www.epa.qld.gov.au/nature_conservation/wildlife/caring_for_wildlife/carers_kit/birds/biology/?
Haha! Chuy noh? :p